  
Ang pagpaplano ng menu ay kadalasang nagiging problema para sa maybahay o mga tagaluto. Mahirap nga namang pag-isipan ang mga ihahandang pagkain para sa tatlong beses sa isang araw at pitong araw sa isang linggo.
Ang KAIN NA ay sagot sa inyong mga problema dahil nagmumungkahi ito ng mga putahe para sa agahan, tanghalian at hapunan para sa apat na linggo. Maari niyong sundin ang nakatalang menu o maari ring pagpalit-palitin ang mga putahe ayon sa nais ng pamilya. Ang mga resipe ay madaling intindihin at sundin at sapat para sa anim hanggang walong katao. Ang cookbook na ito ay naglalaman rin ng mga karagdagang kaalaman sa pagtutugma ng pagkain, nutrisyon, paggamit ng mga tirang ulam, at iba pa.
size: 9 x 6 inches
Paperback
96 pages
Copyright 1993
|