  
Naging maganda ang pagtanggap sa aming unang Kain Na. Ang ibang bahagi nito ay nailathala pa sa isang pahayagan sa Amerika. Ito raw ay naging malaking tulong sa mga maybahay at mga tagaluto sa bahay.
Dahil dito ibinigay namin ang KAIN NA 2 na naglalaman ng iba na namang mga putahe para sa agahan, tanghalian at hapunan para sa apat na linggo. Ang mga resiping mungkahi dito ay praktikal, matipid, pangkaraniwan nating inihahanda sa araw-araw at sapat para sa 6-8 na katao. Maari ring itong itugma sa mga putahe sa unang libro. Kasama nito ay mga tulong sa pagluluto, mga mungkahi sa paggamit ng tirang pagkain, mga tip sa pagtitipid sa pagluluto at mga payo sa pagpapalamuti ng pagkain.
Inaasahan namin na sa pamamagitan ng librong ito ay muling makatulong ang Maya Kitchen sa inyong mga gawaing pangkusina ata sa pagpapalawak ng inyong kaalaman sa pagluluto at paghahanda ng pagkain.
size: 9 x 6 inches
Paperback
101 pages
Copyright 1993
|