  
by: Florentino T. Timbleza
Ang proseso ng intelektwalisasyon ay binubuo ng limang aspektong pangkaisipan- pagsasalin, konseptwalisasyon, interpretasyon o pagpapakahulugan, paghahambing, at repleksyon o pagmumuni. Mahalagang batayan ng intelektwalisasyon ang pag-aaral ng mga pilosopiyang Oriental at Kanluranin, at ang pagkakakumpara nito sa katutubong pilosopiya na masasalamin sa mga alamat, mito, epiko, awit, salawikain, katutubong sayaw, nobela, dula, kwentong-bayan at iba pa.
Bahagi rin ng intelektwalisasyon ang pag-aangkop sa mga karanasan, pakikibaka at pagpapakasakit ng mga mamamayan, gayundin ang walang-tigil na paghahanap ng kabuluhan at katotohanang magagamit ng tao sa kanyang hangaring mabuhay nang mapayapa, malusog, maayos at matiwasay.
size: 9 x 6 inches Paperback 230 pages Copyright 1999
|