  
Upang matugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral at mabagayan ang bulsa nilang manipis, ay naisipan kong gawin ang diksiyonaryong ito. Marami sa mga mag-aaral ay hindi raw makabili o ayaw bumili ng makapal na diksiyonaryo at mahal daw, kaya minarapat kong gumawa ng isang abot-kaya ng lahat. Ang makapal na unang labas na ngayon ay nakakalat sa lahat ng tindahan ng aklat, ay mahal nga kaysa rito, ngunit napakalaki ang naitutulong sa lahat ng gumagamit, sapagka't sinikap kong maunawaan nilang mabuti ang gamit ng bawat salita. Napakalaking panahon ang ginugol ko sa paggawa noon kung kaya mataas naman ng kaunti ang halaga bukod sa matibay yaon kaysa karaniwang nabibili, dahil sa yaon ay tahi at hindi dikit lamang na gaya sa iba. Samakatuwid, ay matibay at malaman ang makapal.
Maria Odulio de Guzman
|