pad
Click to enlargepadBUHAY-BATA<br>Aklat Batibot

With English Translation


Para sa mga Tatay, Nanay at sa mga Guro,

Ang mga kuwentong Batibot sa bagong serye ng Buhay-Bata ay inilathala para sa inyong mga anak. Sadyang inihanda ang mga kuwentong ito sa inyo at unang ipinalabas sa Batibot sa TV, upang matulungan ang inyong mga anak na maintindihan at malutas ang mga hinaharap na isyu at problema sa unang anim na taon ng buhay. Ito ay mga pang-araw-araw na problema na bahagi ng kanilang paglaki at pag-unlad. Bahagi rin ito ng pag-iintindi at pagtanggap nila sa sarili.

Makatutulong na mapag-isipan ninyo nang magkasama, mapag-usapan at mapagtulungan ang solusyon na bumabagay sa inyong pamilya.

Ang mga simple ngunit mahahalagang isyu sa buhay ng ating mga anak ang piniling talakayin sa pamamagitan ng mga kuwentong pambata-- at pang-magulang, guro o taga-alaga na din-- para sa inyo ang mga Aklat Batibot na ito.

Sana ay maging masayang karanasan ang pagbabahagi ninyo ng mga kuwentong Batibot na ito sa inyong mga anak.

-Philippine Children's Television Foundation, Inc.
Cacho Publishing House


ANG KAIBIGAN NG DILIM
Kuwento Ni: Rene O. Villanueva
Guhit Ni: Joanne de Leon


Takot ba kayo sa dilim, mga bata?
Sundan natin ang kuwento ni Anton para malaman natin kung paano nawala ang takot niya sa dilim. At kung paano niya ito naging kaibigan.


AYOKONG PUMASOK SA PAARALAN
Kuwento Ni: Rene O. Villanueva
Guhit Ni: Dindo Llana


Pumapasok na ba kayo sa paaralan?
Ang kuwentong ito ay tungkol kay Bzzz, isang batang bubuyog.
Ipapasok sana siya sa paaralan ng nanay niya.
Pero ayaw pa niya!


NAGSASABI NA SI PATPAT
Kuwento Ni: Rene O. Villanueva
Guhit Ni: Liza A. Flores


Kaya na ba ninyong pumunta sa banyo nang nag-iisa?
Ang kuwentong ito ay tungkol sa isang kuting na ang pangalan ay Patpat.


ANG KUYA NI KARINA
Kuwento Ni: Feny de los Angeles-Bautista
Guhit Ni: Abigail Goy


Ano kaya ang pakiramdam ng isang batang hindi nakaririnig?
Basahin natin ang kuwento ni Karina tungkol sa kanyang kuya para malaman natin.


NASAAN ANG TSINELAS KO?
Kuwento Ni: Rene O. Villanueva
Guhit Ni: Arnold Arre


Lagi ba kayong nagsusuot ng tsinelas sa loob at sa labas ng bahay? Alam ba ninyo kung bakit kailangang lagi tayong nakasuot ng tsinelas?
Basahin nyo ang kuwento tungkol kay Tanya para malaman ninyo ang sagot.


SI PAULA OINK-OINK
Kuwento Ni: Rene O. Villanueva
Dibuho Ni: Kora D. Albano


Marunong ba kayong kumain nang nag-iisa?
Ang kuwentong ito ay tungkol sa isang batang kahit maliit pa ay marunong nang kumaing mag-isa.



each:
size: 8.5 x 5.5 inches
cover: Paperback
No. of pages: 16



anvil01pad$8.00pad


Search for a particular product:

(e.g. Sharon Cuneta; Flowers; Side A)






MUSIC pop rock bands/pop instrumental film soundtrack Top 20 Music CDs various artists
classics rap 
folk jazz christmas cds concert videos
BOOKS travel arts novels culture cookbooks history essays dictionaries short stories
coffee table books business political/social sciences third world studies center humor
biography
graphic novels the philippine center for investigative journalism publications
FILIPINO POCKETBOOKS
tagalog romances
MOVIESVHSVCDsex dramaactioncomedydramafantasyDVD
GIFTS TO THE PHILIPPINESflowersgiftslechonSOUVENIRS AND HANDICRAFTS
MAGAZINES •  



Copyright 1999 - 2007 Divisoria.com